Pabor ka ba sa divorce?
“Wala pa po akong asawa pero ako po ay tutol sa Divorce bill.
“Sa totoo lang, madedehado ang mga babae kung mapapasa ang nasabing bill.
“Mawawalan sila ng karapatang magsampa ng kaso sa mga asawa nila na nagpabaya sa kanila.
“Maging ang presidente ay tutol dito. Sa tingin ko mawawalan ng proteksyon ang mga kababaihan kapag naisabatas ito.”- Clyde, 26.
“Sa totoo lang po wala pa ako masyadong ideya sa divorce bill at sa kung ano ang kaibahan nito sa annulment.
“Ang pagkakaalam ko lang, mas mabilis ang proseso ng paghihiwalay sa divorce kesa sa annulment na pagkamahal-mahal. Siyempre doon tayo sa makakamura tayo...” - Third, 38.
“Hiwalay ako sa aking asawa nasa tatlong taon na... sana maipasa na itong divorce bill nang sa ganoon ay tuluyan na kaming makalaya.” - Asyong, 42.
“Base sa aking nabasa... tanging ang Pilipinas na lamang at ang Vatican ang walang Divorce bill. Kung ako ang tatanungin, tutol ako roon.
“Hindi ba’t nakaka-proud na ka-level natin ang Vatican na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapayag sa divorce. Kasi ganoon tayo kasagradong Katoliko.” - Pete, 30.
“Sang-ayon ako na maisabatas ang Divorce bill sa Pilipinas, ang bansang tanging ang mayayaman lamang ang may karapatan makapag-annulled dahil sa sobrang mahal.
“Kapag naisabatas na ang Divorce bill ay ang mga taong matagal nang hiwalay ay magkakaroon muli ng pagkakataong maikasal sa kanilang bagong pag-ibig.
“Bakit natin hindi ibigay ito sa kanila. Sana matuto tayong magparaya. Masaya ako dahil mukhang maipapasa ang nasabing bill sa final reading.” - Stephen, 28.
- Latest