Ang tray ay hindi lamang ordinaryong ginagamit na lagayan ng pagkain o prutas.
Ang tray ay level up na rin na kasama na interior upgrade na pang style na dekorasyon. Kung gustong magmukhang elegante ang sala ang maglagay ng tray na isa sa pinakagamit na puwedeng gawing accessories dahil ito ay functional at fashionable. Napansin n’yo ba ang mga ilang 5 star hotels ay may nagkikintabang tray na ginagamit sa lobby?
Pinapatungan lang ito ng mga kung anu-anong dekorasyon. Puwede rin itong gayahin sa loob ng bahay o opisina.
Maging creative lamang sa kumbinasyon ng design at concept na naisip.
Mas madali ring gamitin ang tray sa ibang purpose bukod para sa ibang household items. Gaya ng ginagawang frame o mirror para sa hindi masyadong mahal na project para sa loob ng bahay o activities.