Pagpapatawad ng anak

Nakalulungkot na marinig na maraming tatay ang masyadong busy at abala sa kanilang sarili, imbes na mag-invest ng oras para sa mga anak. Ang kapabayaan ng mga tatay ay nagreresulta ito ng sugat sa bata na mahirap maghilom.

May isang announcer ang nagkuwento na hindi niya matandaan kung kailan niya nakasama ang kanyang tatay. Maliban lamang ng mag-21 years old ito na legal na pinapayagang pumasok na sa bar kung saan laging nagtatambay ang kanyang tatay. Naging madalas ang kanilang pagsasama ng kanyang tatay sa inuman, pero hindi niya ito naringgan na mag-sorry sa mga panahon na hindi niya kasama ang anak sa kanyang tabi. O sabihing proud ito sa kanya.

Namatay si tatay noong 25 years old ang anak dahil sa pagkagahaman nito sa alak. Isang araw ay gumawa ng sulat ang anak para sa kanyang ama. Hindi niya matapos ang sulat sa kakaiyak. Naramdaman din nito ang sakit ng damdamin ng kanyang tatay na baka hindi lang din masabi na mahal din siya nito. Kinausap niya ang kanyang tatay na parang sila lang ang nasa iisang kuwarto. Sinabi niya kay tatay na pinapatawad na niya ito at humingi rin ng tawad ang anak sa galit nito sa ama.  Mula noon ay nagsimulang nakaramdam ng kalayaan ang anak mula sa kanyan galit.

Show comments