Dry skin ang madalas na ating inaabot tuwing tag-ulan dahil sa lamig. Nariyan din ang pagkabigla ng ating katawan sa biglang lamig na klima.
Para kontrahin ito, maaari kayong gumamit ng face and body scrub para tanggalin ang mga dead skin.
May kamahalan ang mga produktong ito kaya naman narito ang mga recipe na subok na at swak pa sa iyong bulsa. Gawin ito hanggang tatlong beses kada-isang linggo (siguraduhing magtanong muna sa doktor, walang sugat, at hindi diabetic kung ito ay gagawin).
Ang pangunahimg sangkap sa body scrub na ito ay ang asukal (80% ang dami) at oil (pwedeng coconut o olive oil, 20% ang dami).
Narito ang mapagpipiliang mga recipe: Brown sugar, coconut oil, at orange/lemon essential - refreshing ang body scrub na ito dahil sa orange. Mabango rin ito at nakakaputi.
White sugar, olive oil, pipino, at peppermint - sagana sa bitamina gaya ng vitamin C ang pipino at mayroon namang relaxing property ang peppermint na swak para kayo ay ma-relax mula sa nakaka-stress na trabaho.
Brown sugar, coconut oil, vanilla oil, honey - marami nang napatunayan ang honey sa pagpapaganda gaya ng antibacterial treatment nito na nakagagaling ng mga taghiyawat.