Paano nga ba maalis ang warts?
Ayon sa American Academy of Dermatology o AAD, ang warts ay benign at hindi cancerous na tumutubo sa ibabaw ng balat na naaapektuhan ang skin ng virus na tinatawag na human papilloma virus (HPV). Mas malala at papangit ang skin kapag hiniwa ang warts. Present ito sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Madalas itong nakikita sa mukha, leeg, at maging sa ating singit-singit.
Ngunit, paano nga ba ito matatanggal? Una sa lahat, kumunsulta muna sa doctor bago subukan ang ilang home remedies. Baka mas nangangailangan ng propesyonal na tulong nila. Lagi ring tatandaan na kapag ikaw ay diabetic o kahit anong immune deficiency, hindi maaaring sumubok ng home remedies.
Narito ang ilang home remedies na maaaring subukan:
1. Tea tree oil – Paghaluin lamang ang tea tree oil at dalawang kutsarang mineral water. Ipahid ito sa warts ng hanggang apat na beses kada-araw at hayaang matuyo. Ang tea tree oil ay mayroong powerful antiseltic na nakapapatay ng bacteria.
2. Castor oil – Ipahid ang purong castor oil sa warts at hayaan itong matuyo. Ilagay ito sa umaga at gabi. Mayroong antiviral propertoes ang oil na ito at mayaman din sa antioxidants kaya epektibo itong pantanggal ng warts.
3. Apple cider vinegar – Ilubog ang bulak sa apple cider vinegar at ilapat sa warts. Maglagay ng bandage para hindi ito maalis sa kinalalagyan. Pagkatapos ng tatlong oras ay pwede na itong tanggalin.
- Latest