Tinola Twist
Mainit na sabaw ang hinahanap-hanap ng mga tao ngayong pagsapit ng tag-ulan kaya naman ngayong araw, magluluto tayo ng tinola with a twist.
Ang mga sangkap:
-1 kilo manok
-Bawang-Sibuyas
-Luya
-Hilaw na papaya
-Dahon ng sili
-Isang tanglad
-Asin at paminta
-Chicken cubes
Napakasimple lamang ng paraan ng pagluluto ng dish na ito.
Una munang igisa sa bawang, luya, at sibuyas ang hinugasang manok hanggang sa magkatas ito.
Sunod na maglagay ng tubig, isabay na ang tanglad, at pakuluan ng hanggang 40 minuto o hanggang sa malambot na ang karne ng manok.
Ilagay ang papaya at pakuluan ng 5 minuto at saka isunod ang dahon ng sili.
Ready na ang tinolang may tanglad na masarap i-serve kasama ang steamed. rice!
- Latest