Sign na damage ang inyong liver

Ang pagiging overweight o obese ay higit pa sa pangit na epektong nakikita sa harap ng salamin. Tulad ng masisikip ang damit na pumuputok na ang butones sa sobrang katabaan. Karaniwang nagdadagdag ang timbang ng mga taong may edad na 40s at 50s na maaaring senyales na rin na nagbi-build up na ang fats sa paligid ng organs lalo na sa liver o atay. 

Minsan ito ay nauuwi sa cirrhosis na nasisira ang atay. Dahil sa napapalibutan na ng taba sa paligid ang liver cells na nagkakaroon ng disorder sa tinatawag na nonalcoholic fatty liver disease gaya ng mga obese na tao. Maaaring walang sintomas na nararamdaman. Pero ang sobrang katabaan ay sign na maaaring nagsisimula nang masira ang inyong liver dahil sa naka-store na fats sa palibot ng atay.

Ang good news, malaking tsansa na baguhin ang risk factor na ma-develop ang sakit sa mga kagaya ng mataas ang cholesterol, diabetes, obesity, at iba pa.

Kailangan lang gumalaw-galaw din kapag may time, upang matunaw ang mga tabang sumisiksik sa ating mga organs gaya ng atay.

Show comments