Ang pagkain ng burger ay hindi magtutulak sa iyo na maging suicidal. Kahit ang isang slice ng cake. Pero ang sobrang pagkain ng mga nabanggit ay makararamdam ng kakaiba sa sarili at paligid. Sa research, ang mga kinakain natin ay diretsong napupunta sa ating limbic system na siyang emotional headquarters ng katawan.
Kung hindi healthy ang kinain, sumasama rin ang pakiramdam. Pero kung magiging maingat na kumain ng healthy ay ipagpapasalamat kalaunan.
Gaya ng pagkain ng sobrang chocolates na masarap sa panlasa na nagbibigay ng pleasant rush ng energy ng 20 minutes. Pero ang simpleng treat na masarap mula sa sugar ay nagiging dahilan din ng pagbagsak ng ating blood glucose levels na pangpasira ng moods at pagbawas ng energy na inuugnay sa sleep disorders.