• Ang balat sa labi ay kakaiba kaysa sa ibang parte ng katawan. Mas manipis at delikado ang skin sa lips. Ang balat sa mukha ay mayroong anim na layers samantalang 3 o 4 na kapal lamang sa lips. Kaya mas kita ang kulay pink o red color sa labi. Tuwing nanlalamig ay nakikita ring nagiging kulay blue o namumutla ang labi.
• Namimintog ang labi dahil sa naglalaman ito ng collagen. Habang nagkakaedad ay unti-unting nababawasan ang protina sa katawan na dahilan ng pagnipis din ng mga labi.
• Isang dahilan din ng pagnipis ng lips ay dahil sa Ultra violet rays. Kaya importanteng protektahan ang lips gamit ang lip balm na mayroong SPF.