Bilang magulang, tayo ang unang importanteng teacher ng bata. Kapag ang magulang at pamilya ay involve sa pag-aaral ng mga anak, mas gumaganda at ganado sa kanyang performance ang estudyante.
Maraming pag-aaral na nagpapakita na nagiging matagumpay ang mga anak sa kanilang studies dahil sa suporta ng magulang. Higit pa sa kahit gaano karami ang pera ng pamilya na pambayad sa schools o tuition fees ng mga anak. Maraming paraan kung paano susuportahan ng mga magulang ang kanilang mga estudyante.
Importante na mas maagang makilala ang teacher ng mga anak. Ipaalam kay ma’am na gustong matulungan ang anak sa kanyang studies. Klaruhin na gustong kunin ng magulang ang contact number ni teacher kung kinakailangan. Lalo na kung mayroong problema ang inyong anak. Mag-offer ng tulong kay teacher o partnership para sa kapakanan ng anak.