• Isang uri ng ‘’immortal’ jellyfish ang marunong mameke ng kanyang kamatayan.
• Higit na nakamamatay para sa mga pusa at kabayo ang lason ng black widow spider samantalang hindi naman apektado nito ang mga aso. Immune naman sa naturang lason ang rabbit at kambing.
• Sa loob ng isang taon, hindi lalagpas ng 10 ang napapatay na tao ng mga pating. Halos 10 million naman kada-taon ang pinapatay na pating ng mga tao.
• Gumagamit ng iba’t ibang facial expressions ang mga kabayo para makipag-usap sa isa’t isa.
• Walang eyeballs ang mga kuwago at sa halip, mayroon silang eye tubes.
• Mas malaki ang tsansang ipanganak na babae ang pagong kapag mas mainit ang panahon.
• Apat ang ilong ng linta.
•Ang elepante ang tanging hayop na hindi kayang tumalon.
•Maaaring tablan ng hypnotism ang palaka sa pamamagitan ng paghimas sa tiyan nito.
•Tatlong porsyento ng yelo sa Antarctic glaciers ay mula sa ihi ng mga penguin.
• Palaging pakaliwa ang direksyon ng paniki kapag lalabas sila ng kweba.