May ibang bata na explosive ang kanilang galit na mas lumalala kapag hindi ito naturuan ng anger management. Alamin lang ang galit at aggression ng inyong anak. Alamin kung paano i-deal ng anak ang kanyang galit gaya ng paano ito i-express, i-suppress, at pakalmahin ang kanyang anger.
Ang galit ay normal at healthy na emosyon. Pero kapag hindi ito nakontrol ay maaaring maging agresibo ang anak. Kaya i-encourage ang anak na ihayag ang kanyang galit sa pamamagitan nang pakikipag-usap na makatutulong na ma-convert ang kanilang galit sa ibang emosyon. Sa ibang bata ay epektibo ang pagsali sa sports, karate, o ibang martial arts. Ang ibang anak ay positibo ang epekto sa pag-join ng yoga o relaxation classes. Maaari rin ipakausap ang anak sa psychologist upang matulungan na ma-develop ng ibang paraan kung paano mag-isip at mag-response ang anak sa maraming sitwasyon kaysa piliin ng bata na magalit.