Ang mga bilyonaryo ay simple lamang ang pamumuhay. Gaya ni Warren Buffet at misis nito na nakatira sa unang nabili nilang bahay hanggang sa kanilang katandaan.
Nagkakahalaga ito ng $31,500 noong 1958. Naka-survive sila ng walang mobile phone o computer sa kanyang desk kahit sabihin pang hindi pa ito uso noong araw. Pero ang katuwiran ni Warren na gusto lamang niya ng simpleng buhay. Mas magiging kumplekado pa raw ang buhay kung mayroon siyang anim o walong bahay. Sapat na raw na mayroon na siyang lahat ng kanyang kailangan. Hindi na raw niya kailangan ang sobra pa dahil wala naman daw itong malaking puntong maibibigay na pagkakaiba sa buhay niya.
Kapag pinili na mamuhay ng simple, mas afford pa nga na maging rich sa buhay na mas may maraming positibong benepisyo. Hindi masama na maghangad na maging rich, pero mas magandang piliin ang simple at payapang buhay gaya ng mga bilyonaryo.