Ang isa sa mali ng mga babae ay patuloy na pinapatagal pa ang relasyon sa kanyang dyowa na umaasa na maggo-grow ito. Kadalasan hindi ito nagwo-work out na nagsasayang lang ng oras sa kakahintay sa men na mag-commit. Sa halip ay gawin dapat agad ng mga beshies ang nararapat.
Share - Imbes na sisihin at pintasan ang boyfriend ay i-address agad ang problema. Huwag kang mag-assume beshies. Sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman at iniisip. Hindi para i-pressure si boyfie kundi hayaang makinig siya sa iyo. Maaaring inaakala rin ni BF na okey ka lang, kahit hindi siya ready sa commitment.
Boundary – Kapag sinabi ng lalaki na hindi pa siya ready sa commitment. Maglagay ka na ng boundary. Tigilan nang maghintay sa wala. Hindi katulad ng ibang babae na hinahayaan bukas at malawak pa rin ang boundary na hoping na baka bumalik pa siya. Gamitin ang kanyang salita na hindi siya “ready” upang respetuhin niya ang iyong desisyon. Puwedeng mag-usap na walang sisihan para matapos man ang inyong relasyon ay mananatili pa rin kayong friends.