^

Para Malibang

Fishball cheese sauce ang sawsawan

BURP - Koko - Pang-masa

Isa sa mga street food na paboritong pang-merienda ng mga Pinoy ang fishball.
Ganun pa man, ‘di natin masasabing dito talaga nagmula ang nasa­bing pagkain. Galing ito sa mga Tsino at katunayan, kalat din ang fishball sa mga bansang Macau, Hong Kong, at China bilang street food.

Maraming kwento kung paano naimbento ang fish ball na hindi na natin iisa-isahin. Basta ang sigurado, noon pa man ay paborito na itong panahog sa iba’t ibang pagkain at appetizer.
Dito sa atin, makikita kahit saang sulok ang fish ball vendors.

Halos pare-pareho rin ang lasa at ang ta­nging lamang lang nila sa isa’t isa ay ang kanilang sauce - fishball sauce/suka.

Pero sa isang fishball vendor sa Quezon City, patok na patok sa mga estud­yante at maging sa matatanda ang kanilang sauce. 

‘Di kasi pang­karaniwan ang ka­nilang sawsawan dahil nilalagyan nila ito ng cheese sauce. Kung sa iba ay pinaghahalo ang suka at fishball sauce, sa nasabing bilihan ay patok ang tandem ng cheese sauce at ng fishball sauce.
Binabalik-balitan ito kaya ito ay certified na swak pang­negosyo!

FISHBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with