Sintomas na may tama na ang atay

Ang paninilaw ng mga mata ang isang sensyales na ang atay ay hindi na gumagana nang maayos na malamang ay specific sign na may sakit na ang inyong liver ayon sa medical director ng liver transplant sa U.S.

Ang kulay dilaw ay substance na tinatawag na bilirubin na kadalasan ay pag­kasira ng liver na kailangan alisin na sa katawan. Pero kung patuloy na nahihirapan ang atay na dahilan ng pag-build up ng bilirubin, kung kaya nagiging dilaw ang mga mata.

Maaaring sintomas na ito ng fatty liver na pinagsisimulan ng sakit ng atay. Ang isang karaniwang sakit ng liver disorder ay nonalcoholic fatty liver (NAFLD) na ibig sabihin ay sobrang fat sa liver cells. Kinakain ang atay ng 5-10 % ng buong organ nito. Ang sobrang pag-inom ng alcohol o alak ang dahilan ng pag-build up ng fat sa liver. Hanggang sa lumala ang sakit sa atay na cirrhosis na nakakatakot dahil nauuwi na ito sa liver cancer.

Show comments