^

Para Malibang

Romance at communication ng mag-asawa

Pang-masa

Ang romance ay isang interesting na salita. Naiisip agad ng lalaki at babae ang candlelight, soft music, at longing sa isa’t isa. Kahit ang simpleng paglalakad at pagba-bike na solong makasama ang partner ay masaya pa ring gawin.

Madali lang sa marami ang romance bago ang kasal lalo’t wala pang mga distraction mula sa mga bata. Wala pang pressure na pinag-aawayan patungkol sa financial. Wala pang  nakakainis na habit na nakikita sa partner. Pero pagkatapos ng kasal ay nagsisimula nang kainin ang oras ng mag-asawa.

Upang manatili pa rin ang ningas ng pagsasama ng romansa, huwag ma­wawala ang communication. Laging kausapin si misis o mister, pero hindi patungkol sa business o trabaho. Kundi pagsi-share kung ano ang iniisip. I-express ang nararamdaman at huwag itago o sarilinin. Importanteng makinig at unawain ang sinasabi ni misis o mister. Kung nadi-distract ang asawa ay hingin ang 10–15 minutes nito. I-turn off ang TV at saglit na kausapin.

Kung regular na gagawin ang pag-uusap, mas makikitang  mas malalim at may kulay ang tingin sa asawa. Mas maa-appreciate ang kanyang ambisyon at desire sa inyong buhay. Marami pang malalaman at matutunan kay wifey at hubby dahil bilang indibidwal ay patuloy itong naggo-grow at nagbabago. 

ROMANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with