Ang aspeto ng media sa tahanan ng mga bagay na hindi angkop at ‘di katanggap-tanggap ay madalas na nao-overlook ng mga magulang. Kung mayroong nakatatandang anak sa bahay ay hamunin na maging magandang example sa kanyang mga nakababatang kapatid sa pamilya.
Kung matuturuan ang mga kuya at ate sa pagpili ng mga tamang panoorin ay nakakatiyak ng tamang standards sa mga mas maliit na bata. Kausapin ang mas matandang anak tungkol sa mga music na nai-enjoy sa kanilang pinapakinggan, upang hindi na rin marinig ng mga paslit.
Lahat ay interesado sa media – TV, movies, at music kaya ang mga magulang ay kailangang maging responsable sa pag-set ng tamang example at panatilihin ang boundaries upang mag-work out ang pagkakaisa ng buong pamilya. Gawing malinaw sa mga anak ang mga rules sa loob ng bahay patungkol sa TV screen ng mga dapat lamang panoorin ng bata. Ang mga anak na lalaki at iiwan din ang tahanan balang araw. Magkakaroon sila ng sariling desisyon mula sa naiturong values at convictions. Sa kanilang adulthood bigyan sila ng kalayaan na magkamali at matuto. Gaya ng mga magulang na maging responsible sa pagbibigay ng standard at boundaries sa ating pamilya.
Ano ba ang convictions, standards, boundaries tungkol sa music, Internet, at TV para sa ating pamilya?