Naniniwala ang mga Indian na dapat ay nasa tamang daliri ang isusuot na gemstone upang maging epektibo itong pampasuwerte at remedyo sa sakit.
Narito ang listahan ng mga bato at kanilang pangalan sa wikang Indian:
Index finger : Yellow Sapphire (Pukhraj) ay dapat na nasa hintuturo. Ang iba pang dapat isuot sa nabanggit na daliri ay Pearl (Moti), Topaz, Coral (Mungaa), at Moon stone (Chandrakant). Jupiter ang planetang kumokontrol sa hintuturo. Iniuugnay ito sa stomach or respiratory system.
Middle finger : Saturn ang naghahari sa middle finger. Blue Sapphire (Neelam), Hassonite, Cat’s eye (Lahsuniya), Moonstone, at White Pearl ang dapat isuot dito. Ang middle finger ay iniuugnay sa brain, mind, intestines, and liver.
Ring finger : Ang Sun ang kumukontrol sa palasinsingan. Ruby (Maanik), Pearl (Moti), Moon stone (Chandrakant), Red Coral (Mungaa) at Yellow Sapphire (Pukhraj) ang compatible sa daliring nabanggit. May kaugnayan ang palasinsingan sa stomach, blood circulation, kidneys, at respiratory system.
Little finger : Mercury ang kumokontrol sa hinliliit. Isuot dito ang Emerald (Panna), Green Jade, Diamond (Heera) and Zircon. Ang hinliliit ay may kinalaman sa legs, feet at genitals.