Magic touch na switch

Madalas ang paghanap ng switch ng ilaw ay pahirapan kapain lalo na sa mga guests o bisita sa bahay. 

Bakit hindi subukan ang magandang pattern na gamitin ang mga color paper upang madaling masundan o makita ang switch kung gamit ang paboritong kulay para madaling mai-spot kung saan agad ipi-press ang switch.

Ipagpapasalamat din ng mga kaibigan at kasama sa bahay kung mayroon ngang touch ng color o light ang switch upang ma­liwanag at madaling mahanap ang switch ng inyong ilaw.

Ang iba ay bumibili na ng switch na mayroon ng natural na signal na tipong glow in the dark na switch na kapag naka-turn off ay makikita sa dilim na may maliit na liwanag na senyales na ito ang switch ng inyong ilaw.

Sa sobrang high tech ngayon ay maraming light switches na pagpipilian mula sa dimmers, electrical outlet, old school o tradisyonal light control na ginawang smart touch ng lighting ng ating mga switch sa bahay.

Ito po ang inyong ku­yang kumpunero kung gusto ay laging may pa­raan.

Show comments