Malupit na trato sa ampon
Dear Vanezza,
Feeling ko ay ampon ako dahil mula noon ayaw nila akong kasabay kumain at tira lamang ang ibinibigay sa aking pagkain. Kahit wala akong ginagawa ay nakakatikim ako ng sampal kay mama at sapok naman kay papa. Idinadaan ko na lang sa pag-aaral ang bigat ng loob ko. Pero kahit mataas ang grades ko, galit pa rin sila sa akin. Mabait lamang sila sa akin kapag nagbibigay ng pera ang tita kong nasa Austria na anak ang turing sa akin. Wish ko madalas ay siya na lang ang naging nanay ko. Tama ba ang kutob ko? – Hanz
Dear Hanz,
Bakit hindi mo subukan na tanungin ang inyong mga magulang. Kung hindi mo kaya ay i-try mong sabihin sa iyong tita ang iyong nararamdaman at nararanasan sa pamilya mo. Upang mabigyang linaw ang iyong agam-agam. O baka marami lang talagang problema sina nanay at tatay mo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest