Ngipin na gawa sa ivory ng elepante

• Ang Irish deer ang pangalawang pinakamalaking deer na nabuhay sa mundo. Tuluyan na itong naging extinct, na ang ibig sabihin ay nawala sa mundo 7,700 taon na ang nakararaan.

• Sa tuwing natutulog ang mga dolphin, kalahati ng katawan nito ang gising para mapanatili ang kanilang paghinga at hindi sila malunod.

• Mas gustong mapag-isa ng mga orangutan kesa makahalubilo sa iba.

• May arsenic na taglay ang buto ng mansanas at peras na nakamamatay sa mga aso.

• Pinaniniwalaang gawa sa ivory ng elepante ang ngipin ni George Washington.

• Tinatayang 8,000 pounds ang bigat ng pinakamala­king pusit na natagpuan.

• Nasa 210 ang klase ng kambing na matatagpuan sa buong mundo.

• Walang ngipin ang mga anteaters.

• Ailurophobia ang tawag sa matinding takot sa pusa.

•Dalawang taon kung magbuntis ang mga ele­pante.

• Ang killer whales ay hindi isang klase ng balyena, sa halip, ito ay klase ng dolphin.

Show comments