^

Para Malibang

Kainan na dinarayo ng PBA Legends

BURP - Koko - Pang-masa
Kainan na dinarayo ng PBA Legends

Sinusugod ngayon sa bayan ng Malolos, Bulacan ang isang kainan na paboritong puntahan ng PBA Legends, ang Grill’d Spot.

Burger ang bumibida sa kanilang menu. Ipinagmamalaki ng nasabing kainan na ang kanilang burger patty ay 100% pure beef na araw-araw ginagawa para mapanatiling fresh. May kakaiba rin itong flavor dahil hindi ito piniprito kung hindi inihaw.

Malawak ang mapagpipiliang klase ng burger sa Grill’d Spot mula sa simpleng Quarter Pounder (60php) hanggang sa malahiganteng G’s Ultimate Burger (180php) na bagay na bagay i-partner sa kanilang sides tulad ng Chili & Cheese Fries (75php), Buffalo Wings (90php), Garden Salad (80php).

Kung hindi naman kayo mahilig sa burger, may rice plates din silang ino-offer tulad ng Burger Steak (75php), Fish Fillet Rice (85php), at Sweet & Spicy Beef Tapa (85php). Hindi rin mawawala sa kanilang menu ang binabalik-balikang pasta dishes tulad ng Meaty Spaghetti (85php), at Creamy Carbonara (85php).

Hindi kataka-takang balik-balikan ito ng PBA Legends na sina Alvin Patrimonio, Allan Caidic, The Flying A Johnny Abarrientos, Jay Jay Helterbrand, Marlou Aquino, at maging ng mga simpleng customer dahil sa bukod sa mura, at magandang serbisyo ng kanilang mga staff, kakaiba ang sarap at hindi tinipid ang kanilang mga pagkain.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->