^

Para Malibang

Foreign na manananggal

MRYOSO - Pang-masa

Sikat na sikat sa mga paslit tuwing nagtatakutan ang nilalang na kung tawagin ay manananggal, na na­ngunguha diumano ng mga bata. Pero hindi lang pala sa ‘Pinas makakakita ng ganito, pati na rin sa ibang bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, at Thailand ay may sariling bersyon din ng nasabing nilalang.

Ang ungga-ungga o mas kilala sa tawag na wuwug sa Bohol ay kamag-anak ng manananggal na maihahalintulad ang deskripsyon sa Penanggal ng Thailand at Malaysia at Krasue naman sa Indonesia. Ang mga ito raw ay ordinaryong tao sa umaga, pero pagdating na ng takipsilim ay nag-iiba na rin ang anyo.

Kung ang manananggal sa atin ay ang katawan ang nahahati at naiiwan ang bewang at binti, ang ungga-ungga, penanggal, at krasue naman ay ulo lamang at mga lamang loob ang humihiwalay. Ang mga intestines nito ang nakakapagpalipad sa kanila at ang tunog nito ay para raw umiikot na electric fan.

Pawang buntis at bata raw  ang madalas atakihin, at kapag malakas ang kanilang biktima, inililipad daw ito sa ere at saka ilalag­lag o ‘di kaya ay papasukin ng buhok nilang kasing tigas ng wire ang mata, bibig, ilong, at tenga.

MANANANGGAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with