Superwoman ng tahanan

Ang salitang “mother” ay 300 times na ginamit sa Bible na ang ibig sabihin ay literal na “an intimate relationship na pagkakaloob na benepisyo para sa iba.”

Ang M-O-T-H-E-R na acronym ay may malalim na kahulugan kung sino ang ating mga ina.

Mom- Ang proverbial na “first word” na binabanggit ng mga sanggol na tunog gaya ng “ma” o “mama”.  Ito rin ang salita na may malakas na connection sa buong mundo na tawag sa kanilang ina ng tahanan. Sa United Kingdom ay Mum. Mam sa Netherland. Mata sa India. Mama sa Chinese. Kahit gaano kalakas at kabilis ang isang athlete, pero pagtingin nito sa camera na unang binabanggit ay “hi mom!”

Ang affection at love ay simpleng nabubuo sa salitang “mom” kahit ano pang lengguwahe.

Others – Lahat ng mga nanay ay 90 hours a week na unang iniisip ang kapa­kanan ng kanyang pamilya.

Teacher- Ang unang guro na nagtuturo na hanggang ngayon ay naghuhubog ng ating buong pagkatao.

Honor- Ang unang utos na may kaakibat na pangako na pahalagahan ang ating mga nanay upang mabuhay nang matagal.

Encourager – Ang ating greatest cheerleader na kahit anong mangyari through thick and thin. Good or bad. Sa kasiyahan at kalungkutan.

Respect -  Malalim na paghanga at respeto ang dapat ibigay sa ating mga nanay. Hindi lang tuwing Mother’s Day, kundi araw-araw na pagpapahalaga at pagsunod sa kanilang mga utos na superwoman ng tahanan.

 

Show comments