Kung trip pa rin na pumasyal sa magagandang falls, subukan ang Buruwisan Falls sa Siniloan, Laguna.
Ang tubig na bumabagsak sa 180-foot na Buruwisan Falls ay galing sa Siniloan River.
May iba pang falls mula sa ilog na ito ngunit ang Buruwisan ang pinakasikat dahil ito ang pinakamadaling puntahan. Ang jumpoff point papuntang Burawisan Falls ay sa Mt. Romelo.
Medyo may kadalian ang trek, pero medyo mahaba. Gayunpaman, ang daan ay halos malilim sa kabuuan at walang gaanong matarik na bahagi ng daan. Ang maganda, maraming madadaanan na puwedeng makabili ng pagkain kapag nakaramdam ng pagod.