Magic touch sa bahay

Ang pag-redecorate ng mga tahanan ay hindi kailangan ng massive at expensive na project.

Ang simpleng touches gaya ng pagdadagdag ng decorative tray o pagpapalit ng pillow case ay maaaring magkaroon na agad ng dramatic effects. Tulad ng pag-rearrange ng mga furnitures na puwedeng simpleng pag-aayos na magreresulta ng bagong look at feel sa inyong mga bahay.

Kung laging nilalaktawan ang isang gamit ay atras ito upang magkaroon ng mas malawak na daan sa bahay. Kailangan lang ng magic touch upang gumanda na ang iyong tahanan.

Ito ang inyong Kumpunerong Kuya, kung gusto ay laging may paraan.

Show comments