Bil mo ko girl ang siyota
Dear Vanezza,
Simula pa lang ay na-hook ako sa sobrang ganda ng GF ko na mag-iisang taon na kami. Ang problema habang nagtatagal ay lumalabas ang tunay niyang kulay. Bil mo ko girl ang GF ko. Gusto ko po sanang mag-ipon ng pera sa future namin habang maganda ang trabaho ko ngayon. Pero biglang nabura ang nakikita kong future ko sa kanya. Paano ko ba siya kakalasan? – Mon
Dear Mon,
Huwag munang patagalin upang hindi na rin umasa ang siyota mo. Diretsohin mo na gusto mo nang makipaghiwalay. Kung hindi mo kayang masabi ang dahilan ay manghingi ka ng space. Kaysa magastusan ka pa lalo sa maluho mong GF.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest