Paboritong panghimagas ng mga Pinoy ang leche flan dahil bukod sa mura lang ang kakailanganing budget ay mabilis pa itong gawin. Gawa ito sa itlog, gatas, at arnibal.
Kilala rin ito sa iba’t ibang lugar partikular na sa Europe.
Sangkap :
10 pieces raw eggs
1 small can condensed milk
1 cup fresh milk (or evaporated milk)
1 cup granulated sugar
1 tsp vanilla extract
Ihiwalay ang pula ng itlog (ito lamang ang gagamitin).
Pagkatapos ay haluin mabuti ang pula ng itlog at saka ihalo ang condensed milk. Ilagay na rin ang fresh milk at vanilla extract.
Sa llanera, ilagay na ang naihandang arnibal at saka ilagay ang mixture ng leche flan. I-steam ito ng 30 minuto.
Magpatulong din sa nakatatanda at nakakaalam ng recipe para masunod ng tama ang instructions.
Maaari itong ipang-merienda at gawing negosyo ngayong summer.