^

Para Malibang

Sakripisyo at disiplina

PRODUKTIBO - Pang-masa

Bawat tao ay kaila­ngang iplano ang kanilang financial goals. Ang isa sa pagkakaiba ng mayaman sa mahirap ay alam nito kung anong gustong mangyari sa kanilang financial na aspeto. Ang mga rich na tao ay maliwanag kung ano ang gustong mangyari sa kanilang kayamanan. Kung mayroon goal ay pagtatrabahuan ito na siyang magi­ging dahilan ng motibo upang ganahan na maabot ang plano. Planuhin ang kinabukasan. Magsimula sa pag-set ng short term at long term goals.

Maging specific at realistic. Laging i-track ang iyong goals upang masigurado na makakamit ito. Mag-set ng plano sa financial goals. Tingnan kung magkanong maiipon kada-buwan, sa susunod na 5, 10, at 15 na taon? Magdesisyon kung magkano ang gustong ipunin. Mag-ipon at tingnan kung hanggang saan makakaipon. Kailangan lang ng sakripisyo upang magkaroon ng disiplina na ma-achieve ang financial goals. Huwag hayaang puro palabas na ang iyong pera, kundi mag-isip ng pagkakataon kung paano papalaguin ang pera.

Huwag masanay na nangungutang o umasa na lang sa credit card komo may pambayad. Kundi magtipid at isipin kung saan dadalhin ang maliit na pera hanggang sa lumago ito. Paano ka nga ba yayaman?

FINANCIAL GOALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with