Mahirap talaga ang magka-sore eyes, pero para maimbsan ang discomfort may mga tips na dapat gawin.
1. Mag-apply ng warm compress sa inyong mga mata ng 5 to 10 minutes tatlong beses sa isang araw.
2. Magkaroon nang sapat na tulog sa gabi. Uminom ng maraming tubig.
3. Maghiwa ng pipino, ilublob ito sa malamig na tubig ng 10 minutes ipikit ang mata saka ito ilagay.
4. Palamigin din ang kutsara mula sa tubig saka ipatong sa mga mata. Upang maging cool ang pakiramdam.
5. Maaari rin ang frozen na pagkain saka ibabad sa nakapikit na mga mata.
6. Puwede rin ang black o green na tea bags na ipatong sa mga mata ng ilang minuto upang mabawasan ang maga. Ang tea ay naglalaman ng bioflavonoids na nakatutulong panlaban sa bacteria at infection.
7. Maghiwa rin ng slice na patatas at ilagay din habang nakapikit ng 15 minutes na ulitin ang proseso sa loob ng tatlong araw.