Paano mapapalapit sa biyenan?

Ayon sa research, halos 60% nang lahat ng mag-asawa ay nagkakaroon ng tension sa kanilang mga biyenan na normal lamang, lalo na sa pagitan ng mga misis at nanay ng kanilang mga mister.

Kung gustong mapalapit ang loob sa mga biyenan, lalo na sa mga mother-in-law ay hilingin sa iyong asawa na makausap ito nang sarilinan. Sa mga mister ay hayaang casual na mag-one-on-one ang misis at si nanay mo na wala ka sa tabi nila.

Laging tandaan ng mga misis na huwag isipin na karibal ang mga mother-in-law sa inyong mga mister. Kaya huwag hihigpitan ang mga mister at misis kung pupunta, mag-aabot ng pera, o ‘di kaya ay tutulong sa inyong mga biyenan. Ma­ging marespeto at magalang sa mga nanay at tatay ng inyong asawa na dapat ay magulang na rin ang turing sa kanila. Imbes na depensahan ang sarili sa simpleng hindi pagkakaunawaan ay ma­ging kalmado, huwag pansinin at hayaan ang kanyang comment. Sapat nang sumagot ng “um-hmm” na palipasin ito para hindi na lumaki ang isyu. Humingi ng sorry o paumanhin at magparaya sa mga nakatatanda.

Huwag magkakamaling gawan sila ng masama, itsismis, o maging madamot. Kundi ipaalam na sila ay minamahal at ina-appreciate ang kanilang gestures at kabutihan.

Show comments