Hinding-hindi mawawala sa ating kusina ang kamatis dahil gamit na gamit ito pangsahog. Mapa-ginisang gulay o karne, sinigang, at iba pang ulam o kahit pa panahog sa pasta ay mahalaga ang kamatis kaya naman ang mapahaba ang buhay nito ang isa sa mga dapat nating alamin.
Kailangan lang laging tandaan na kung bibili ng kamatis sa palengke ay piliin ‘yung mayroon pang tangkay na nakakabit.
Ang tangkay kasi ang siyang nag-iiwas para pasukan ng hangin ang kamatis na siyang dahilan ng mabilis na pagkabulok nito.
May isa pang paraan upang mapatagal ang buhay ng kamatis, at ito ay ang pagtatago nito sa tuyong lugar. ‘Wag na ‘wag din itong ilalagay sa refrigerator dahil mas mapabibilis ang pagkabulok nito.
Puwede rin naman itong ilagay sa madilim na lagayan na maraming butas para makadaan ang hangin.