^

Para Malibang

Pekeng propeta, nagpapa-inom ng sariling semilya!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Kayo ba ay mahilig maniwala sa mga nagsasabing sila raw ay sugo ng langit? O ‘di kaya naman ay ipinadala daw ng diyos para tumulong at tulungan ka, pero sa pagtagal ay may kakaiba nang gagawin?

Ganyan ang nangyari sa isang babae sa Nigeria na kinuha diumano ng isang propeta para tulungan siya.
Seven teen years old lang ang nasabing babae nang mag-umpisa ang lahat, naglalakad siya pauwi galing sa eskuwelahan nang biglang huminto ang isang sasakyan at agad siyang isinakay, sumigaw siya ng sumigaw para humingi ng tulong, pero walang makarinig sa kanya.

Ipinarada ng tatlong suspek ang kotse sa isang madilim na lugar at doon siya kinausap, sinabi sa kanya ni Nkwocha (isa sa mga suspek) na huwag siyang matakot dahil ipinadala raw siya ng diyos at sinabi sa kanyang kunin siya dahil may espesyal siyang misyon na dapat gawin. Kumuha ng Bible si Nkwocha at inutusan ang biktima na ipatong ang kamay niya at sumumpa na walang makakaalam nang lahat ng kanilang napag-usapan, ginawa niya ang sinabi nito at hinatid na siya pauwi. Hindi niya ito masabi sa kapatid dahil sinabi ng suspek na mamamatay siya oras na magkuwento siya.

Pagkaraan ng ilang linggo, isinama na siya nito sa lahat nang lakad at inumpisahan nang papuntahin sa club at ibenta sa mga lalaki. Para siyang ginayuma ng suspek dahil lahat ng utos nito ay sinusunod niya, nakalimutan niya nang may mga magulang siya, at ‘di na rin niya tinapos ang pag-aaral.
Sa paglipas ng panahon, nagpatuloy ang gawaing ito ng suspek, hanggang sa hindi na niya ibinenta ang biktima sa iba, dahil siya na ang mismong gumagamit dito. Ginawa niya itong sex slave.

Tinatakot ni Nkwocha ang biktima na dapat ay la­ging mag-condom kapag ginagamit siya ng iba, dahil ‘pag hindi ay mamamatay siya, labag daw ito sa utos ng diyos, siya lamang daw ang maaaring gumalaw sa biktima ng walang suot na condom. Pinapainom pa niya diumano ang semilya niya rito, bilang parte ng ritwal.

Hindi na kinaya ng biktima ang ginagawa sa kanya, kaya nagsumbong na siya sa pulisya. Agad hinuli si Nkwocha at kasalukuyan nang pinaghahanap ang mga kasama nito. Hinihintay na lamang na umusad ang kaso.
Samantala, ang biktima ay 25 years old na ngayon, sa loob ng 8 na taon, ngayon pa lang natigil ang kababuyang ginawa sa kanya.

PROPETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with