Dear Vanezza,
Ako ang tunay na anak, pero laging delay at kulang ang ibinibigay na sustento ng tatay ko. Samantalang ang anak ng kabit niya sa ibang lalaki ay panay ang post at thank you sa Facebook sa rami ng ibinibigay ng “daddy” niya gaya ng gadgets. Samantala ang nanay ko ay kailangan pang magpalimos sa tatay ko. Mag-comment kaya ako sa post na tigilan na ang pagwawaldas ng pera ng tatay ko. Pwede kaya? – Toni
Dear Toni,
Sabihin ang sama ng loob sa tatay mo, baka magising siya sa katotohanan na magaling lang siya sa anak ng kabit niya sa ibang lalaki. Samantalang ikaw dapat ang inuuna niya.
Sumasainyo,
Vanezza