Last Part
South- Red at orange ang gamitin para sumikat o kilalanin sa propesyong iyong pinasukan. Nagdadala ito ng suwerte para kilalanin ng iyong boss ang mga pagsisikap mo sa trabaho. Sa south nararapat ilagay ang mga pigurin o painting na kabayo.
Southwest- Ito ang direksiyon na kapag pinagyaman ay susuwertehin ang mga nakatira sa lovelife o pakikipagrelasyon niya sa kanyang kapwa. Dilaw, pula, at brown ang magdadala ng suwerte sa Southwest.
Ilaw, lamp, at crystal na may kulay na nabanggit ang magandang gamiting pangdispley. Sa mga dalaga o binatang naghahanap ng mapapangasawa, magdispley sa direksiyong ito ng dalawang mandarin duck o anumang bagay na magka-partner kagaya ng ikinakasal, dalawang puso, at magkaparehang lovebirds.