Dear Vanezza,
Mataas ang standard ko pagdating sa mga manliligaw ko. Kahit 32 years old na ako ay naghintay pa rin ako kay Mr. Right. Lima ang naging bf ko at lahat sila’y hindi nagtagal sa akin dahil nga “choosy” ako. Mayroong nanliligaw sa akin na nagtitinda sa kanto. Pakakasalan daw niya ako. Nati-tempt akong sagutin dahil baka hindi na ako magkaanak. Pero sabi naman ng mga kaibigan ko kilalanin ko muna, dahil baka ako pa ang magpakain sa magiging pamilya namin. Tama ba sila?- Chel
Dear Chel,
Walang masama sa paghihintay kay Mr. Right. Kailangan din ituwid ang motibo mo sa lalaking sasagutin at papakasalan. Baka magsisi ka rin sa huli na maging miserable ang buhay mo. Mayroon pa ring darating na magmamahal na tamang lalaki para sa iyo.
Sumasaiyo,
Vanezza