Mabubuhay ka ba ng Walang Facebook?
“Sa tingin ko naman, mabubuhay ako nang walang Facebook. Unang-una, hindi lang naman ang FB ang social networking site. May Twitter din at Instagram. At saka masyado nang magulo ang Facebook. Sa aking opinion, doon nagsimulang mauso ang fake news. Feeling ko rin, lumalakas ang loob ng mga nagkakalat nito dahil maraming pumapatol sa mga peke nilang balita sa FB.” –Athan, 28
“Parang ‘di na yata ako sanay nang walang social life sa FB. Pagdilat ko kaya sa umaga, ito na ang unang-una kong ginawaga. Actually very useful ang FB kung titingin ka lang sa brighter side. Aminin natin, mas napalapit sa atin ‘yung mga taong sa totoo lang eh malayo sa atin. ‘Yung mga kapamilya natin sa abroad parang anytime pwede na natin makausap at dahil ‘yan sa FB.” - Jeric, 24
“Malabo po yata ito. Feeling ko po marami ang made-depress sakaling mawala ang Facebook lalo na ‘yung millennials na tulad ko. Hindi lang naman po puro pagpapasikat ang ginagawa ng mga kabataan sa Facebook. Sa totoo lang po nagagamit pa po naming ‘yun sa school. Para po ‘yun personal USB dahil pwede kami roon mag-save ng pictures at documents. Mas mabilis po kasi ito i-access kesa sa email. Tapos kapag may meeting sa school, sa group chat din po kami nag-uusap-usap.” - Justin, 21
“Oo naman. Bakit naman hindi kami mabubuhay samantalang noon ay wala namang Facebook. Mas magiging tahimik pa ang mundo. Medyo nag-lay low din ako lately sa Facebook dahil na rin sa kumpirmadong balita na may ilang accounts daw lalo na rito sa ‘Pinas ang nanakawan ang personal information sa Facebook. Sumobra naman yata yung pagiging high-tech…” - Manuel, 36
“Oo siguro sa mga taong hindi ma-FB at hindi naman sa mga adik. Ang sa akin wag nila sanayin ang mga sarili nila sa gadget kasi masama talaga ‘yun sa kalusugan bukod pa sa panlalabo ng mga mata natin.” - Kurt, 28
- Latest