Pangalawang Anino (424)

NATAGPUANG patay ang dalawang pulis. 

Mga bali ang leeg.

Natakot ang mga guests ng hotel, nag-alisan. Naglipatan sa ibang hotel.

Ang hindi lang lumipat ay si “Daniel”.    

Kaya naman hanga sa kanya ang manager ng hotel, pati ang mga empleyado.

Ang mga nasa reception desk ay takot man, panay ang kuwentuhan sa kanilang guest.

”Napakaguwapo pa, ang tapang-tapang pa! Nag-alisan na ang lahat siya ay enjoy lang dito!”

“Pero paano kung siya pala ang ... pumatay doon saa tatlo?|

May natigilan.

“Oy, ha ... paano pala kung ganyan nga?”

“Huwag nga kayo! Matapang lang talaga siya, ano?”

“Oo nga! Di ako maniniwalang siya ang killer!”

Pagkatapos ng usapang iyon, hindi na katulad ng dati ang lahat. Sa bawat usapan ng mga empleyado, may mga naniniwalang baka ang kanilang natitirang guest nga ang salarin.

Nakarating ito sa kaalaman ng prinsepe ng kadiliman, iritado siya.

Panay ang tawag niya sa service crew, kung anu-ano ang hinihingi.

“Kapeng Batangas, iyan ang gusto kong kape. Malalasahan ko kapag hindi pala kapeng Batangas. At iyung pinakamainit, ha!”

“Ah, yes po, Sir.”

Nakabili sila ng kapeng Batangas at nag-brew kaagad sa kitchen.

Pero noong ihahatid na ang kape nagtuturu-turuan na ang mga nasa service crew kung sino ang maghahatid.

“Ikaw na lang, marami pa akong trabaho dito, e.”

“Mas lalo naman ako. Kailangan ko nang matapos ang lahat.”

“Lumalamig na ang kape ko!” 

Nabigla ang lahat. Apat ang tao sa kitchen ng hotel na takang-taka, ano ang ginagawa ng only guest nila dito.

“Sir, anong ginagawa ninyo dito?”

“Alam ko, lahat kayo duwag! Walang gustong maghatid ng kape sa akin! Di ba sabi ko, gusto ko pinakamainit na kape ang gusto kong inumin. Nanlisik at pumula ang mga mata ni Lucifereo.

Pagkatapos niyang baliin ang leeg ng apat na tao sa kitchen saka lang umalis sa hotel si “Daniel”. 

-  ITUTULOY

                                                             

Show comments