Positive Impression

Ang dress ay mala­king part sa pagkakaroon ng positive empression sa ibang tao, lalo na sa interview. Pumili ng outfit na magdi-display kung gaano kadeterminado at confident person sa harap ng kausap. Ang dress ay dapat match sa business na inaaplayan. Alamin ang mga posibleng dress code at ito ang piliin na isuot sa araw ng interview.

Malaking chance na makuha ang dream job sa paghahanda ng sarili mula trimmed haircut, clean shaved, warm smile, feeling of confidence, formal dress, firm handshake, at tamang body posture. Huwag kalimutan na i-ready ang lahat ng mga copies ng iyong resume, portfolio, bagong picture ID, at ibang hinihinging requirement na documents na dapat dalhin.

I-check agad ang iyong papers na siguraduhing walang mali na isang pagpapakita ng iyong pagiging seryoso at professional.

Show comments