Pagbasag sa Cycle ng Depression

Ang anxiety at depression ay nangangailangan ng mahabang proseso bago mabago at matugunan nang maayos ang psychological treatment.

Para mabasag ang cyle ng nararanasang anxiety at depression, kailangang magkaroong ng regular activity at exercise na malaking benepisyo para maging busy ang isang tao mayroong ganitong problema.

Hayaan magkaroon sila ng regular na contact sa kanilang mga friends at classmates na makatutulong sa kanilang social life. I-encourage na magkaroon ng sarili niyang diary para isulat ang mga negatibong bagay na gustong baguhin o paano labanan ang mga iniisip na nagpapababa ng sarili. Isulat din sa kanilang notes ang mga pagbabagong napapansin sa kanilang sarili. La­ging i-monitor kung consistent ang kanilang practice o activities sa kanilang araw-araw o weekly na buhay para ma-track at mai-record ang positibong inaasahan.

Ang magulang ay dapat may sarili ring record para magkaroon ng tracking sa development ng anak.

Show comments