Sa mga hindi nakakaalam, ang oppa ay Korean word na ang ibig sabihin ay nakatatandang lalaki.
Paborito rin itong gamitin ng mga Koreana bilang term of endearment sa kanilang boyfriend.
Trending ngayon sa Korea ang Oh My Oppa, isang travel platform na nag-aalok ng oppa for rent services.
Yes, ang ibig sabihin ay rerenta ka ng oppa na siyang maglilibot sa iyo sa buong pamamalagi n’yo sa Korea.
Safe rin daw ang nasabing travel platform dahil talagang mga tourist guide ang mga oppa & apos.
Kakatuwa dahil bawat oppa ay mayroong forte na iyong mapagpipilian depende sa iyong hilig.
Kung ikaw ay certified foodie, maaari mong rentahan si Raymond na maraming alam na kainan sa buong Korea.
Kung history at tradisyon naman ang hilig mo, perfect sa iyo si Ryan na maraming alam sa architecture.
Mararamdaman naman ang pagiging local sa tulong ni Joon na 20 years nang naninirahan sa Seoul. Ipararamdam niya sa iyo kung ano nga ba ang pinagdaraanan ng typical Korean sa pang-araw-araw.