Ang sports program ay magandang experience para sa mga bata at teenager na isang fun at healthy na puwede gawing ngayong summer.
Pino-promote ng programa ang value at kahalagahan ng sports sa physical activities, emotional o social na aspeto, at mental development sa mga bata.
Maraming magulang na gustong i-encourage ang mga anak sa paglalaro ng sports para maramdaman nila na sila ay mahalaga rin. Bawat bata ay maaaring magtagumpay sa isang sports o sa ibang bagay. Pero hindi madali sa magulang na makahanap ng sports na swak para sa anak.
Kailangang magtiyaga sa pagpili ng sports na tiyak na makikinabang kalaunan ang anak. Ang sports ay nagpapahinang sa physical at mental development na malaking contribution sa anak.
Ang sports ay powerful tool na pang break down sa lahat ng hadlang na nakatutulong na magkaroon ng magandang pakiramdam sa sarili. Sa simpleng paglalaro ng sports ng bata ay nade-develop na ang physical skills, exercise, nagkakaroon sila ng new friend, naaaliw, natututo na maging member ng isang team, natututong maglaro ng patas, at ma-improve ang self-esteem.