Paano Magkaanak?
Siyempre ang una nating sagot sa tanong na ito ay magpakasal muna at gawin ang loving-loving sa paraan ng “natural sex.” Para magkaanak, kailangang mag-sex para mabuntis ang babae.
Ngunit hindi lahat ay successful sa ganitong paraan. Pero may iba pang way para magkaanak kung hindi kaya sa natural na paraan.
Ito ay sa pamamagitan ng Artificial Insemination, In vitro insemination, Cytoplasmic transfer, Nuclear transfer, at cloning.
Sa iba’t ibang pamamaraang ito ay may iba’t ibang klase pa iyan na tatalakayin sa mga susunod na artikulo.
Ayon sa isang artikulo sa PBS.org sa ilalim ng NOVA Online, ang online ng sikat na in-depth science show sa Amerika, may 18 paraan para magka-baby pero technically, abot pa ito sa 30 na paraan.
Unahin natin ang Artificial insemination.
Sa Artificial insemination, ipinapasok ang maliit na tube sa uterus o matris para maglagay ng sperm upang magkaroon ng fertilization ng egg.
Itinatawag din itong intrauterine insemination (IUI).
May tatlong paraan ito, ang una ay insemination ng sperm ng sariling asawa, ikalawa ay insemination ng donor sperm, at insemination ng egg at sperm donors sa surrogate mother. (Itutuloy)
- Latest