May misteryong nababalot sa isang kapatagan sa bansang Laos. Nadiskubre kasi ng mga mananaliksik ang mahigit sa 3,000 giant megalithic stone jars na nakakalat. Bukod pa rito ay hindi nila malaman kung saan nanggaling at para saan ang mga ito.
Naging banta rin ang mga nasabing stone jars dahil pinaniniwalaang nagtataglay ang ilan sa mga ito ng unexploded cluster bombs na mula sa Laotian Civil War.
Ang isa sa pinakaunang teoriya noong 1930s ay ang mga nasabing stone jars na may 3 metro ang diameter, mula ito sa Iron Age at ginamit na libingan o cremation pods. Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga nasabing jars kung para saan ba talaga ang mga ito. Hindi pa rin nila madiskubre kung talaga bang libingan ang mga nasabing malalaking stone jars.
Na-clear naman na sa bomba ang nasabing lugar kaya ligtas na itong puntahan.Sa palagay n’yo para saan kaya ang mga nasabing higanteng banga?