Ang anxiety ay karaniwan sa mga teenager na maraming uri gaya ng takot, panic attacks, phobia, at iba pa. Maging aware sa kung ano ang nagti-trigger sa anxiety sa hindi maipaliwanag na kinakatakutan ng anak. Bukod sa psychological na treatment, kailangan din ng balance diet, sapat na tulog, at exercise. May apat na areas ang depression ayon sa mga sumusunod:
Pagbabago ng behavior – May withdrawal syndrome, walang interest na magliwaliw, negatibo ang school performance, reckless ang behavior gaya ng sobrang kain at pagda-drugs.
Pagbabago ng isip – Pessimistic ang future, self-critical, ang expression ay laging patungkol sa sense of failure, at sensitive sa rejection.
Pagbabago ng feelings - Laging umiiyak, minsan manhid, iritable, sobra ang temper, magagalitin, at pabagu-bago ang emosyon.
Pagbabago ng physical – Laging nagrereklamo sa kanyang itsura, sobra o konti lang ang tulog, laging pagod, at walang gana.
Kailangang makita ang mga early warnings at kausapin ang anak. Magpakonsulta sa psychiarist o clinical psychologist upang matulungan ang teenager.