Kung paano hindi makalimutan ng teacher ang kanilang estudyante, ganundin ang mga magulang.
Malinaw na naaalala ng isang teacher ang isa sa parents ng kanyang estudyante kung paano nito respetuhin ang anak niya.
Sa buong taon ay napapansin ng teacher na sa lahat ng activities ng school mapa-field trips, party, o habang naghihintay si nanay sa anak nito. Sa tuwing magsasalita ang anak ay tumitigil si nanay sa kanyang ginagawa. Naka-eye level talaga ang tingin sa anak habang interesadong nakikinig sa sinasabi ng bata.
Saglit na bina-block out ni nanay ang lahat ng bagay para masiguradong maramdaman ng anak na ibinibigay ni nanay ang buong atensiyon para sa kanya. Kahit gaano pa kaiksi ang minuto o higit pa sa kanilang pag-uusap.
Wala naman sinasabi si nanay na gusto lang ipaalam sa anak kung gaano siya ka-proud sa bata. Nirerespeto ni nanay ang anak, kaya hindi nakapagtataka na marespeto rin ang bata sa kanyang mga classmates.