Paano maiiwasan ang pagkabulok ng dahon na gulay sa ref?

BURP TIPS

Naranasan n’yo na bang magkaroon ng green slime sa ilalim ng plastic bag ng gulay na dahon o herbs sa refrigerator? Ito’y ang dahon na gulay na nasira at nalusaw.

Paano nga ba makaiiwas sa ganito at mapatagal ang buhay ng dahon na gulay sa ating mga ref? Ang tanging sikreto lang ay basang paper towel (kitchen tissue).

Balutin muna ang mga nahugasang gulay na dahon o herbs bago ilagay sa mga ziplock bags. Mag-iwan ng awang sa bag para sumingaw ang loob nito.

Kapag mayroon nang kulay green sa paper towel, ibig sabihin ay hanggang 2 araw na lamang ang itatagal ng gulay kaya dapat ay gamitin na ito.

Para naman sa mga chopped herbs, ilagay ito sa maliliit na container at patungan ng tiniklop na paper towel. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments