Dear Vanezza,
Nasa huling biyahe na raw ako dahil sa edad kong 29 years old. Hello! Anong gagawin ko, wala pa akong makitang magpapatibok ng puso ko na swak din sa taste ko. Kainis mapa-opisina, simbahan, at sa bahay namin. Lahat na lang nirereto ako kung kani-kanino. Kelan kaya nila ako tatantanan ng tanong eh sa wala pa. Enjoy pa naman ako sa pagiging single ko. Anong gagawin ko, tatanggapin na lang ang manliligaw kong taga-kanto na wala namang trabaho? Ano ba gusto nila? Eh bakit hindi sila ang magpakasal? – Lenny
Dear Lenny,
Huwag magpadala sa panunukso ng ibang tao. Basta ang mahalaga ay alam mo sa iyong sarili at kung anong gusto mo sa isang lalaki. Hindi pinagmamadali ang paghahanap ng makaka-partner sa buhay. Mag-enjoy at mahalin muna ang sarili mo habang wala pa.
Sumasainyo,
Vanezza