Mas mabisang pampadulas ng pintuan kesa grasa at langis

Pampadulas ang karaniwang problema sa mga pintuan lalo na kung tumutunog ito o ‘di kaya’y mahirap isara at buksan. Kadalasang ginagamit dito ang oil o grasa.

Pero alam n’yo ba na sa paggamit ng grasa o langis ay mas lalong nagkakaproblema rito?

Kapag gumamit kasi ng langis o grasa, ang nangyayari ay dinidikitan ito ng dumi at buhangin na kalaunan ay namumuo. 

Ang pamumuo nito ang siyang nagiging da­hilan kung bakit nag-i-stuck ang mga hinges maging ang susian sa doorknob.

Kaya naman ang ka­i­­langang gamitin ay graphite powder na nabibiling naka-tube.

Mas inirerekumenda ito lalo na sa mga doorknob para lalong hindi na mag-stuck ang susi sa susian.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

Show comments